Lunes, Abril 16, 2012

DULA: Pagpapaunlad sa Makrong Kasanayan sa Wikang Pilipino, Kidapawan City National High School

PANUKALANG PROYEKTO

I.           PAMAGAT NG PROYEKTO
DULA: Pagpapaunlad sa Makrong Kasanayan sa Wikang Pilipino, Kidapawan City National High School

     Ang proyektong ito ay tungkol sa dula na siyang pinakamabisang paraan sa pagpapahayag ng damdamin at iniisip. Dito rin mapapansin ang iba’t ibang likas na kakayahan ng mga mag-aaral sa kasanayan sa pananalita, pag-aakda, kalinangan sa pagsusulat, teknikal na kaalaman at pagsasabuhay ng mga dula. Sa katunayan, mayroon ng Special Program for the Arts ang Kidapawan City National High School para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral sa kakaibang talento at kinahihiligan.

II.        NAGMUNGKAHI NG PROYEKTO
Ang nagmumungkahi ay isang mag-aaral sa Unibersidad ng Visayas na kasalukuyang nagpapakadalubhasa sa Pagtuturo ng Asignaturang Filipino. Siya rin ay kasalukuyang guro sa Pambasang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Kidapawan.

III.     ITATAGAL NG PROYEKTO
Ang proyektong ito ay inaasahang matatapos sa loob ng tatlong buwan, mula Disyembre 1, 2011 hanggang Pebrero 17,2012. Dito gugulin ang labindalawang linggo sa paghahanda. Sa loob ng panahong ito ay ang mga pagpaplano, pagpili ng mga kasapi sa dula, pagsusulat ng iskrip, pagsasanay at ang takda ng pagsasadula.


IV.       DESKRIPSYON NG PROYEKTO

Ang proyektong ito ay binubuo ng mga mag-aaral at ng guro na siyang maymungkahi. Ang pagsaliksik at pag-aaral ay gaganapin sa loob lamang ng paaralan ng Mataas na Pambansang Paaralan ng Lungsod ng Kidapawan. Ang ganitong pag-aaral ay naging una sa mga pag-aaral na naisagawa na sa paaralang ito. Mula sa mga maaring matuklasan at sa hangarin na ganyakin at hikayatin ang mga kapwa guro na gumawa ng mga panukalang proyekto, aksyon reserts, pananaliksik-wika at mga karagdagang pampagtuturo na lilinang ng pinakamataas na antas ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral, at mabuo ang konsepto ng nagpanukala na sadyang malaki ang gampaning nakaatang sa mga kamay ng isang guro na naturingang anluwagi ng mga mag-aaral sa larangan ng karunungan.

RASYONALE NG PAG-AARAL

May mga eksperto na napatunayan na ang constructivist na paraan ng paglilinang ay may mai-ambag sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Nabatid sa pag-aaral na ang isa sa mabisang paraan sa paglalapat ng bagong kaalaman ay ang pagkakaroon ng kaugnayan sa karanasan ng bagong konsepto. Dito ay madali na lamang ang pagtanggap ng kaalaman dahil di ito naging banyaga sa pag-iisip at damdamin ng mag-aaral. Dito din malilinang ang teknikal na aspeto ng pagtuturo ng isang guro sa pagdugtong-dugtong nga mga bagay –bagay para sa mabisa at madaling paraan ng pagkatuto.
Sa dagdag na mga pag-aaral, ang progressivist o progressivism na pilosopiya ng paglilipat-dunong ay isang kapuri-puring pamamaraan. Dito ay nakatuon ang lahat ng pansin at pamamaraan ng pagtuturo sa mag-aaral. Ang pagtuturo ay dapat maging malawak at sumusunod sa antas ng pagkatuto ng bawat estudyante. Iminumungkahi ang pagkakaroon ng mga aktibidad sa hanay ng mga mag-aaral at nililiban ang pag-aaral na galing lamang sa guro.
Ang mga ideyang ito ay malaki ang nai-ambag tungo sa pagbabago ng antas ng pagkatuto. Ang sikolohikal na aspeto ay nalinang na rin at naging bagong pamantayan sa kalidad ng pagtuturo at pagkatuto.

Sa ibang dako ng pagsaliksik ng mga pantas sa edukasyon at kalinangan ng pagkatuto, lumalabas sa pag-aaral na may limang aspeto ang mga mag-aaral na siyang marapat na bigyang tuon at pansin ng mga napapaloob sa larangang ito. Ito ay ang mga sumusunod -Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat, Panonood at Pagbasa.
Nabatid na sa pagbubuklod ng kasanayang ito, at kapag ito ay nakumpleto sa bahagi ng kalinangan, mas malaki ang porsiyento o pagkakataon ng paglilipat-dunong sa bawat mag-aaral ay buong-buo at maikintal sa bawat puso’t isipan.
Sa mga mag-aaral na nagkaroon ng pagkabihasa sa iilan o sa limang antas ng pagkatuto ay mas malaki ang tsansa nitong maging matagumpay sa hangarin sa buhay.
Ayon kay Montesorri (1912), ang pagsama-sama ng dalawa o mahigit na pandama sa pagkatuto sa pagproseso ng mga impormasyon ay nagkakaroon ng mataas na lebel ng pagkatuto. Kapag halos lahat ng pandama ay nagagamit sa pag-aaral ng isang bagay, mas lumalakas ang tsansa na ang bagong kaalaman ay maikintal sa kamalayan at magagamit sa hinaharap ng nag-aaral.
Sa mga nalipong mga hagap ng mga dalubhasa at pantas, nais ng maymungkahi na mabatid ang katayuan ng mga mag-aaral sa mataas na pambansang paaralan sa lungsod ng Kidapawan. Upang mailarawaran ng lubos ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral, isang pagsasanay at pagsasadula ng one act play ang ibinigay sa mga mag-aaral at malaman ang literal, inferential at kritikal na antas ng pag-unawa. Ang mga mag-aaral na nasa halos lahat ng antas ang naging kalahok sa panukalang proyekto.


Binibigyan ng karagdagang panahon para sa kasanayan ng pagkatuto sa MAKRO (Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat, Panonood at Pagbasa) at sa oras na ito ginagamit para sa pag-aaral ang mga gawaing pagsasanay na nilikom ng nagpanukala. Sa tulong ng mga gawaing pagsasanay, ninanais ng nagpanukala na tumaas ang antas ng mga mag-aaral mula sa literal at ito ay maging mahinuha na antas ng pag-unawa.
Sa asignaturang Pilipino, napapansin ng maymungkahi na ang mga mag-aaral, at di lamang mga mag-aaral pati na nag mga pantas ng unibersidad at kolehiyo ay talagang nahihirapan sa pagsusulat, pagtatalakay, pagsasalita at pagbibigay buhay ng mga bagay at kaalaman sa wikang Filipino. Napakalungkot isipin na tayo na nga, ay banyaga na sa ating sariling bayan. Gayunpaman, bagama’t nakabagbag-damdamin ang ganitong kinahihinatnan ng aspeto ng pagkatuto, ninanais pa rin ng maymungkahi na buhayin ang kalinangan sa wikang Filipino at bagkus, ito ay lalo pang palaganapin at payabungin. Di naman kamangmangan ang matuto sa wikang Filipino sa halip ay nalilinang ang lingwistika, retorika, kayamanan sa imahinasyon at diwang makabansa at makabayan.



A.  PANGUNAHING LAYUNIN NG PROYEKTO
Ang edukasyon ay isa sa mga napakahalagang salik tungo sa pag-unlad ng isang indibidwal. Mahalaga ito dahil dito nakasalalay ang kanyang kinabukasan o magiging kahihinatnan sa hinaharap. Sa pagtamo nito, kailangan ang puspusang pagkatuto sa mga bagaybagay tungo sa pagpapaunlad ng kanyang sarili na dapat matamo ng isang mag-aaral.

1.   Kaugnay ng pagkatuto, layunin ng asignaturang Filipino lalo na sa sekondarya ang malinang ang limang kasanayang MAKRO (Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat, Panonood at Pagbasa).

2.   Mabigyang buhay sa paraan ng pagganap ng papel sa gagawing dula sa paraang magagamit ang lahat ng makrong kamalayan sa pagkatuto.

3.   Mapatunayan ang angking galing at talento ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusulat ng iskript, mga gawaing paghahanda, pangangasiwa ng panahon sa pagitan ng pag-aaral, pag-eensayo at maging sa pagsasadula.
 







B.  PARAAN NG PAGSAGAWA
Ito ay magsisimula sa pagpaplano ng leksiyon mula sa loob ng silid- aralan at nakahanay sa mga aktibidad sa paglinang ng pagkatuto ng bawat estudyante. Ang maymunkahi ay gagawa ng plano ng leksiyon na siyang maging pundasyon sa lahat ng antas at anggulo sa pagtalakay at paglilinang. Unang –una sa lahat ay ang pagsasagaw ng iskrip na siyang basehan sa paghalal ng mga karakter at tagapag –ganap. Ang mga mag-aaral ang siyang aakda sa iskrip at naayon sa pag-gabay ng guro. Ang mga mag-aaral na rin ang hihirang ng uri ng dula na angkop sa kasanayan at mainam sa panlasa ng balana. Ang dula ay maaring isang kathang-isip lamang o hango sa tunay na pangyayari at mangyaring ibahin lamang ang pangalan ng karakter sa pagsadula. Kung ito ay isang kathang-isip lamang, marapat na bigyang halaga ang pagkaangkop sa tunay na pangyayari upang madama ng manonood ang pamilyar na damdamin sa dula. Bigyang konsiderasyon din ang badyet nang sa ganoon ay di gaanong mahirapan ang kapwa magaaral.

Sa paghalal ng mga gaganap sa dula, ipabatid sa mga mag-aaral ang balak na magkakaroon ng dula at ang nais lumahok ay magpatala sa napiling punong kalihim na siyang maging tagapaghimok. Magkaroon ng pagpipili o awdisyon upang mahimok at mabatid ang mag-aaral na siyang angkop sa magiging karakter sa dula.

Pagkatapos ng pangunahing gawain ay ang puspusang pagsasanay at gagawin ito sa bandang tanghali pagkatapos ng tnaghalian ng mga mag aaral at gagawing muli sa bandang hapon pagkatapos ng klase sa huling bahagi at gagawin ito araw-araw, tatlumpong minuto sa tanghali at isang oras sa hapon. Ang mga paghahanda sa mga damit o kasuotan na angkop sa dula ay gagawin sa araw ng sabado at linggo pagkatapos ng isang araw ng marubdob na ensayo sa bawat araw ng sabado.  
May gagawing ebalwasyon at pagbibigay puna sa maaring baguhin at dagdagan sa ginaganap na pag-eensayo. Kalakip ng mga mag-aaral, bigyang tuon o pagpahalaga sa mga karakter kung ito ay kayang gampanan o hahanap ng maging kapalit kung nahihirapan sa papel na ginagampanan.
Ito ay magpapatuloy na may paggabay ng gurong tagapayo at lider ng grupo hanggang sa araw ng pagsasadula.
















        BENEPISYO NG DULA
               
        SA MGA MAG-AARAL – ang mga mag –aaral ay mabigyan ng pagkakataon na matuklasan ang angking galing at talento sa pag-ganap ng dula. Malinang ang multi-senses sa pagkatuto at mas malalim ang pag-unawa sa mga bagay na nais ilipat na karunugan ng guro. Sa mga nagsipaglahok, maari rin nilang madiskubre ang angking galling na kahit hindi sila direktang aakto sa dula, sa pamamagitan ng pagsusulat ng iskrip, pagiging director ng dula, sa masining na make –up, pagiging patnugot sa iskrip, paglalapat ng tunog, sa teknikal na aspeto ng dubbing at pagsasa-ayos ng mga props at sa paghahanda ng kagamitan at kasuotan.

SA GURO/MGA GURO – makakaroon ng pagbabago sa pamamaran ng paglinang o paglilipat ng mga kaalaman sa mga mag-aaral. Mabigyang ideya ang iba pang mga guro sa iba’t ibang asignatura na maaring rebisahin ang paraan ng pagtuturo sa pamamagitan ng hagap ng multi-sensory, makrong kasanayan, constructivist, progressivist o multi-intelligence na istratehiyang paglilipat-kaalaman. Dito ay mahahalaw at mauunawaan ng mga guro ang angking kakayahan sa aspeto ng pagkatuto ng bawat indibidwal na mag-aaral, ang pagkatuto sa paraang nais nila at saan nila madaling matutunan ang isang mahirap na leksiyon.

SA MGA TAGAPAMAHALA AT DALUBGURO – ito ay magiging isang kongkretong batayan sa mga pagbabago tungo sa hangaring mai-angat ang antas ng pagkatuto at bukas-pusong pag-tanggap na ang mga mag-aaral ay may iba’t ibang kaparaanan sa pagkatuto at napapanahon na upang bigyang daan ang makabago at palitan na ang tradisyonal na pamamaraan ng pagtuturo.

C.  MGA KASANGKOT SA PROYEKTO
1.   MGA MAG AARAL
Ito ay isang partikyular na grupo ng mga mag aaral na nasa ikatlong taon ng pag-aaral sa sekundarya ng Mataas na Paaralan Pangsekundarya ng Lungsod ng Kidapawan. Sila din ay kasalakuyang nag- aaral sa asignaturang Filipino sa paggabay ng nagpanukala.

2.   GURO/MAYMUNGKAHI
Siya ang gagabay sa pagsasagawa ng pang-araw-araw na aktibidad, sa pagplano at  mga nararapat na paghahanda para sa dula.

3.   MGA MAGULANG
Para sa suportang pinansiyal, emosyonal at pag-unawa sa bawat mag-aaral sa pagiging abala sa gawaing pang-edukasyon.

4.   MGA ADMINISTRADOR
Para sa kooperasyon, pagbibigay-puna at rekomendasyon para sa ikauunlad ng proyekto.





V.          TSART NG MGA GAWAIN

Mga Gawain
Disyembre
Enero
Pebrero

1 Linggo
2 Linggo
3 Linggo
4 Linggo
1 Linggo
2 Linggo
3 linngo
4 linggo
1 Linggo
2 linggo
3 linggo
4 linggo

Pagpaplano













Pagbalangkas ng iskrip













Pagpili ng pangunahing karakter sa dula













Pagsasanay













Pagsasadula













Pagsagawa ng ebalwasyon













Pagtala, paghahanda at pagsusulat ng proyekto























VI.       HALAGA NG PROYEKTO
Ang kabuuang halaga ng proyekto ay Php 5,600.00. Ito ay maaring pag-ambagan ng mga mag-aaral upang mapagaan ang gastusin.

Pag-uukulan ng Badyet/Gawain
Halaga
Sahod sa tagapagsanay
1,000.00
Kasuotan
1,000.00
Pagkain
600.00
Kasangkapan sa dula/props
1,000.00
Dubbing/sangkap teknikal
2,000.00
Kabuuan
5,600.00















ULAT NG PROYEKTO

  1. BAGO ISAGAWA ANG PROYEKTO
1.   Pagpaplano – dito isinasagawa ang brainstorming, pagbibigay konsiderasyon sa kakayahan ng mag-aaral, pagsasaliksik sa magiging panuntunan at kaangkupan sa pangmatagalang layunin ng pagkatuto. Ang mga mag-aaral ang siyang magsagawa ng isang aktibidad-pangkaalaman sa paghahanda at kusang alamin ang aspeto ng dula. Sila ay pagbuklud-buklurin sa apat na grupo at pagkatapos ng takdang panahon ay i-uulat ang awtput sa klase. Bigyang puna ng maymungkahi ang ulat at i-aangat ito sa antas ng isang One Act Play at magtatakda ng isang araw sa buwan ng Pebero upang lubos na makapaghanda ang mga nais lumahok.
2.   Pagsagawa ng Iskrip - sa panahong ito ay ang pagbalangkas, pag-e-edit at pagbibigay-puna sa iskrip. Ang mag-aaral na nakapagprisinta ng maayos at organisadong kaisipan sa pagsusulat and siyang maging punong patnugot at manunulat. Magiging katuwang niya ang guro at mga kapwa mag-aaral sa pagbuo nito.
3.   Pagpipili mg mga karakter – magbigay ng isang pagpapahayag ng isang malaking kaganapan sa loob ng paaralan tulad ng dula o “One Act Play”. Dito ay itatala ang mga mag-aaral na nais lumahok sa dula. Magkaroon ng paghahalal o awdisyon sa mga kalahok. Bibigyan ng iskrip ang bawat isa sa karakter na nais nilang gampanan. Ito ay kanilang bibigyang buhay sa pamamagitan ng acting o pagsasadula. Ang mapatunayang nagpabatid ng lubos na kasiya-siyang pag-ganap ay siyang hiranging maging opisyal na kalahok sa dula.
  1. HABANG GINAGAWA ANG PROYEKTO
1.   Pagsasanay -  Magkakaroon ng maikling workshop sa akting sa tulong ng mga guro sa Special Program for the Arts. Pagkatapos nito ay ang pagtatakda ng panahon at oras ng ensayo. Sa panahong ito ay nililinang ang kakayahan at kasanayan sa dula. Ang mga kalahok ay mag-eensayo sa akting sa tanghali pagkatapos ng tanghalian at sa bandang hapon pagkatapos ng huling klase ng mga mag-aaral. Gagawin ito araw-araw at sa araw ng sabado at linggo, gugugol ng sapat na panahon sa pag-eensayo ang mga mag-aaral sa paaralan at sa aktwal na entablado.
2.   Paghahanda – ang mga gawaing kaakibat nito ay ang dubbing, ang pag record ng mga boses ng mga karakter. Dito din isinasagawa ang paghahanda sa mga ksangkapan, ang mga gamit pangteknikal tulad ng mikropono, speakers at CD player. Sa panahong ito ay ang paghahalaw ng mga kasuotan na siyang angkop sa dula at iba pang mahahalagang bagay na may kinalalaman sa dula.
3.   Pagbibigay puna at kritiko – sa panahong ito ay ang matiyagang pagmamasid, pagbibigay ng suhestiyon at pagpa-igting ng kakayahan sa pagsasadula. Kung may kinakailangang baguhin sa iskrip ay gagawin sa panahong ito. Magbibigay din ng suhestiyon sa maaring maging kasuotan at mga kasangkapan upang magkarron ng magandang resulta sa dula.




  1. PAGKATAPOS NG PROYEKTO
1.   Ebalwasyon – sa panahong ito ay ang pag-aaral sa nagiging suliranin, mga balakid at pagbibigay ng mga solusyon. Dito din isasagawa ang pag-aaral sa naging resulta ng dula tungo sa mga mag-aaral, mga naging kabahagi nito at sa mga manonood. Bibigyang pansin din ang kabuuang epekto nito sa grado, sa sikolohikal at emosyonal na aspeto. Gagawin din ang pagsusubaybay sa mga guro sa ibang asignatura kung nagkaroon ng mga pagbabago sa alituntunin at pamamaraan ng pagtuturo.
2.   Kabuuang Implikasyon - ito ay paglalagom sa naging reaksiyon, puna at mga epekto sa pangkalahatan sa mga mag-aaral at sa guro.
3.   Pangwakas na hinuha - naging mabunga ang gawain at naipakita ng mga kasapi sa dula ang angking kakayahan na maaring maipagmalaki sa madla. Ito ay bibigyang diin ng nagpanukala na maging bahagi na sa kurikulum at paglinang sa pag-aaral.
4.   Rekomendasyon - Maging mapanuri sa mataas na antas ng sining at maging malikhain, mapamaraan at maging mapagmasid sa lipunang interes na siyang maging patok sa damdamin at isipan ng balana. Bagama’t ang One Act Play ay isang ordinaryong dula sa turing, dito naman nadidiskubre ang henyo ng kabataang malayo ang interes sa pormal na edukasyon.




Bibliograpi
Brooks, J. and Brooks, M. (1993). In Search of Understanding: The Case for Constructivist Classrooms, ASCD
Coffield, F., Moseley, D., Hall, E. and Ecclestone K. (2004) Learning styles and pedagogy in post-16 learning. A systematic and critical review, London: Learning and Skills Research Centre.
Mayer, R. E. (2001) Multimedia Learning, Cambridge University Press, New York.

Montessori, M. (1912) The Montessori Method. , New York.

Sweller, J. (1999) Instructional Design in Technical Areas, Australian Council for Educational Research, Victoria.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento